^

Bansa

Bong Go: Mag-ingat at magbantay, kaso ng lepto lumobo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kaugnay ng nakababahalang pagtaas ng kaso ng leptos­pirosis sa Metro Manila, nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, sa mga komunidad na maging maingat, mapagbantay at kumilos nang nagkakaisa upang ito ay maiwasan.

“Magkaisa tayo sa pagtugon laban sa leptospirosis. Ang pagiging alerto at handa ay makapagliligtas ng buhay,” aniya.

Ani Go, mahalaga ang kamalayan ng komunidad tungkol sa mga panganib ng pagkakalantad sa tubig-baha at ang kritikal na pangangailangan sa maagang pagkilala sa sintomas at konsultasyon sa medisina.

Suportado niya ang panukala ng Department of Health na ipagbawal ang paglangoy sa tubig-baha, isang hakbang na tatalakayin pa ng Metropolitan Manila Development Authority.

Hinimok ni Go ang publiko na sumunod sa paalala ng health workers na sa panahon ng tag-ulan at pagbabaha, isa sa mga sakit na dapat bantayan ay ang leptospirosis. Maha­laga aniya na maging maingat at alisto sa ating kalusugan.

Sa kamakailang data, isiniwalat na higit sa 60% ng admission ng leptospirosis sa San Lazaro Hospital sa Maynila ay malubha, kung saan kasalukuyang ginagamot ng ospital ang 149 pasyente—mas mataas kumpara sa nakaraang average.

Marami sa mga kasong ito ay nalantad sa bakterya sa panahon ng pagbaha na dulot ng Bagyong Carina, kung saan maraming mga biktima ang lumangoy sa kontaminadong tubig-baha.

Ang seryosong katangian ng kasalukuyang pagtaas ay nagresulta sa 49 malubhang kaso at 8 pagkamatay dahil­ sa mga komplikasyon tulad ng renal failure at pulmonary hemorrhage.

vuukle comment

HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with