Labanan sa Senate 2025, mahigpit — RPMD
MANILA, Philippines — Inilabas ng RPMD Foundation Inc. ang independent at non-commissioned “Boses ng Bayan” nationwide survey na ginanap noong July 1-10, 2024 na naglalayong tukuyin ang malalakas na kandidato sa pagka-Senador para sa darating na 2025 na halalan.
Pinangunahan ni ACT-CIS Party List Rep. Erwin Tulfo na may 63.7%, na sinundan ni dating Senate President Tito Sotto na may 61.4%. Sumunod sina Ben Tulfo at Sen. Bong Revilla Jr. na may 58.6% at 57.9%, habang nakuha ni Sen. Imee Marcos ang ikalimang puwesto (55.1%). Sina dating Pres. Rody Duterte (52.5%) at Sen. Bong Go (51.7%) ang nasa 6-7 rank.
Pasok naman sina DILG Sec. Benhur Abalos Jr. (48.6%) at Sen. Francis Tolentino (47.8%)sa 8-9 na puwesto, habang si Tingog Party List Rep. Yedda Romualdez ay nasa 10 puwesto (42.3%). Si dating Sen. Ping Lacson ay nasa 11 puwesto (38.4%), sinundan ni dating Sen. Manny Pacquiao (36.8%). Sina Sen. Pia Cayetano (35.2%), Lito Lapid (30.6%), at Bato Dela Rosa (28.4%) ay nasa 13-15 puwesto.
Ang iba pang mga kandidato na isinasaalang-alang para sa halalang 2025 ay sina Willie Ong (26.1%), Abby Binay (25.6%), Gringo Honasan (23.5%), Gibo Teodoro (21.7%), Wilbert Lee (18.4%), Kiko Pangilinan (17.3%), Baste Duterte (16.1%), Dick Gordon (15.8%), Pulong Duterte (15.3%), Franklin Drilon (15.2%), Mar Roxas (14.7%), Ted Failon (13.5%), Herbert Bautista (13.1%), Willie Revillame (12.8%), Bam Aquino (10.5%), Guillermo Eleazar (10.1%) at Dingdong Dantes (9.3%).
Ayon kay Dr. Paul Martinez, Global Affairs Analyst at Executive Director ng RPMD, ang “Boses ng Bayan” survey ay nag-aalok ng isang masiglang larawan ng mga nangungunang kandidato sa pagka-Senador, at nagpapakita ng sari-saring opinion sa pulitika sa buong Pilipinas para sa halalan 2025.
- Latest