^

Bansa

5 suspek sa pagpatay sa beauty queen, Israeli bf kinasuhan na sa DOJ

Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
5 suspek sa pagpatay sa beauty queen, Israeli bf kinasuhan na sa DOJ
DILG Secretary Benhur Abalos Jr. and PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil present two former policemen allegedly involved in the murder of beauty pageant candidate Geneva Lopez and her Israeli fiancé Yitshak Cohen, in a press briefing at Camp Crame yesterday.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Pormal nang sinampahan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice (DOJ) ng dalawang bilang ng kasong murder ang limang indibidwal, na itinuturong nasa likod nang pagpatay sa beauty queen na si Geneva Lopez at kanyang Israeli boyfriend na si Yitzhak Cohen.

Mismong si PCol. Thomas Valmonte, hepe ng Legal Division ng PNP-CIDG, ang nanguna sa paghahain ng kaso laban sa limang respondents, na kinabibilangan ng dalawang dating pulis.

Dalawa umano sa mga suspek ang bumaril sa mga biktima habang dalawa ang kasamang nagtapon sa bangkay.

Ayon kay Valmonte, bukod sa kasong murder, mahaharap din sa kasong conspiracy ang mga suspek matapos na magpulong muna at umano’y planuhin ang pagpatay sa mga biktima.

“We actually filed the complaint for murder, two counts. That’s for the death of Yitshak Cohen and Geneva Lopez. And the complaint has been docketed already,” pahayag pa ni Valmonte. “And there are five respondents that are impleaded in the complaint.”

Una nang lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad na isang dating pulis ang posibleng utak sa krimen.

Sinasabing may kinalaman ang pagpatay sa lupang isinanla ng dating pulis kay Lopez.

“Based sa investigation, iyong lupa ay sinangla ng respondents sa biktima and parang gusto bawiin nila ang lupa sa mga biktima… ‘Yung mga biktima parang ayaw naman nilang ibigay kasi siyempre meron binigay silang pera so dapat ibalik sa kanila ang pera,” ani Valmonte.

Dito na umano pinag­planuhan ang krimen kung saan may nagpanggap na buyer ng lupa at pinapunta ang mga biktima sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac City kung saan natagpuan ang kanilang bangkay noong Hulyo 6. Hunyo 21 nang ireport na nawawala ang magkasintahan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with