Agosto 13, idineklarang ‘Centennial Year’
MANILA, Philippines — Bilang pagbibigay pagkilala sa master weaver ba si Madalena Gamayo, idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Agosto 13, 2024 hanggang Agosto 12, 2025 bilang centennial year.
Ito ay matapos aprubahan ng Pangulo ang Proclamation No. 664 o “ Centennial Year of Manlilikha ng Bayam Magdalena Gamayo”.
Si Gamayo ay isang national living treasure at awardee ng Gawad Manlilikha ng Bayan (GAMABA) na kilala sa paglikha ng sariling patterns ng Ilocano Abel.
Si Gamayo ay nagdiwang ng kanyang ika-100 kaarawan nitong Agosto 13.
Sa ilalim ng proklamasyon, inaatasan ang National Commission for Culture and the Arts na pangunahan, makipag-ugnayan sa ibang tanggapan at pangasiwaan ang paggunita sa Centennial Year of Manlilikha ng Bayan Magdalena Gamayo.
Pinatutukoy din sa NCAA ang mga programa at aktibidad na maaring gawin para ipagdiwang ang taon ni Gamayo.
- Latest