Pagtaas ng ratings ni Romualdez repleksyon na may ginagawa Kamara
MANILA, Philippines — Ang malaking pagtaas sa performance rating ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay isa umanong repleksyon na gusto ng publiko ang ginagawa ng mga miyembro ng Kamara.
“Ako po ay nagpapasalamat una sa Poong Maykapal dahil sa latest Social Weather Stations (SES) survey, na nagsasabing tumaas po ang kumpiyansa ng publiko sa ating ginagawa bilang Speaker ng kongreso,” ani Speaker Romualdez.
Nagpasalamat si Romualdez sa kapwa mga kasamahan sa kongreso na kung hindi umano sa kanila ay marami pang mga pending bills na nakatiwangwang.
“At syempre ang taumbayan na nagbigay sa ating ng mataas na marka sa ating performance…maraming, maraming salamat po,” ayon sa representante mula sa Tacloban City.
Ang 16-point increase sa net satisfaction rating, na ngayon ay nasa +29 na, ay testamento anya sa dedikasyon ng mga kasamahan sa kongreso sa paggawa ng kanilang tungkulin bilang mambabatas, ani Romualdez.
Mula sa economic reforms hanggang sa social justice initiatives, ang trabaho ng Kamara ay naging susi sa mga progreso na nararamdaman ng mga kababayan natin, wika pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.
Aniya, ang agarang pagpasa ng kongreso ng mga priority bills ni Pangulong Marcos para sa pag-ahon ng bansa sa nakalipas na COVID ay isa rin daw marahil sa nakikita o nararamdaman ng taumbayan.
- Latest