^

Bansa

Pangako ni Pangulong Marcos sa government workers tinupad - Revilla

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangako ni Pangulong Marcos sa government workers tinupad - Revilla
President Ferdinand Marcos Jr. delivers a speech during the oath-taking of the Board of Trustees of the Association of Philippine Journalists–Samahang Plaridel Foundation Inc. in Malacañang on Aug. 2, 2024.
Presidential Communications Office

Taas sahod, benepisyo…

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr, ang hakbang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na taasan ang suweldo at benepisyo ng mga civilian government employee sa bisa ng Executive Order (EO) No. 64.

“I laud the President for keeping his word. Tinupad niya ang pangako niya noong SONA sa mga kawani ng gobyerno na itataas ang kanilang mga sahod at magbibigay ng dagdag-benepisyo. Alam niya ang danas at sakripisyo ng mga masisipag na empleyado ng ating pamahalaan. Kaya trinabaho talaga niya na maipagkaloob ito nang agaran,” paliwanag ni Revilla.

Base sa EO No. 64, ipatutupad ang pagbabago sa suweldo ng “all civilian government personnel in the Executive, Legislative, Judicial Branches, Constitutional Commission and other Constitutional Offices; Government-Owned or Controlled Corportations (GOCCs) not covered under RA 10149 and EO 150 s. 2021; and local government employees, regardless of appointment status, whether regular, contractual or casual, appointive or elective, and on full-time or part-time basis.

Bukod sa binagong salary schedule ng mga empleyado ng gobyerno, makakatanggap din ang mga ito ng taunang medical allowance na nagkakahalaga ng P7,000 na magsisimula sa Fiscal Year (FY) 2025 bilang health maintenance organization (HMO)-type benefit.

Ipatutupad ang natu­rang Executive Order sa apat na bigayan na magsisimula Enero 1, 2024 sa unang tranche, Enero 1, 2025 (2nd tranche), Enero 1, 2026 (3rd tranche) at Enero 1, 2027 para sa fourth and final tranche.

Ang implemen­tasyon ng unang tranche ay magiging retroactive o ipatutupad sa petsang nakasaad.

“Bilang Chairperson ng Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation ay sobrang talaga nating ikinatutuwa itong bagong issuance ng Pa­ngulo. The civil servants are the backbone of government service. Without them, we can achieve nothing. Kaya nararapat lang na mabiyayaan sila ng umento sa sahod para pasalamatan at bigyan-halaga ang serbisyo at sakripisyo nila sa bayan,” ayon kay Revilla.

Si Revilla ay nauna nang naghain ng panukala para sa Salary Standardization VI para itaas ang sahod ng mga kawani ng pamahalaan.

Mismong ang Senador din aniya ang nakipagpulong sa DBM para dito, kaya laking tuwa at pasalamat niya sa naging hakbang ni Pangulong Marcos.

EO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with