^

Bansa

Partido Federal ng Pilipinas ni BBM Nacionalista Party ni Villar, nagsanib

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Partido Federal ng Pilipinas ni BBM Nacionalista Party ni Villar, nagsanib
Sinaksihan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Nacionalista ­Party Chairman Manny Villar ang signing ceremony ng alyansa ng ­Partido ­Federal ng Pilipinas (PFP) at Nacionalista Party (NP) na ginawa sa Taguig City kahapon. Ang PFP na nabuo noong 2018 ay kasaluku­yang pinamumunuan ni Pangulong Marcos Jr. Mula kaliwa: Special Asst. to the President ­Anton Lagdameo, PFP National President Reynaldo S. Tamayo, Nacionalista ­Party’s Sen. Mark Villar at Robert Barbers at Congressman Eleandro ­Madrona.
PPA Pool/Marianne Bermudez

MANILA, Philippines — Nakipag-alyansa na ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Nacionalista Party (NP) para sa darating na halalan sa Mayo 2025.

Sinaksihan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Senate president Manny Villar, chairman ng NP, ang paglagda sa kasunduan sa Taguig City.

Ayon sa Pangulo, mas magandang makipagkaisa sa ibang lider politikal kaysa sayangin ang panahon, oras at resources sa pakikipagsalungat sa isa’t isa.

Naniniwala rin si Marcos na ang susi para sa pagsulong ng bansa ay ang pagkakaisa para gawing mabuti at maunlad ang bansa.

Sinabi pa ng punong ehekutibo na ang bawat hangarin ng mga partido ay palakasin ang pundasyon ng bansa para sa ikabubuti ng bawat Filipino.

Samantala, sinabi naman ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. na wala pa silang senatorial slate para sa nalalapit na midterm elections.

Ito na ang pang apat na partido politikal na nakipag-alyansa ang PFP, una ay sa Lakas-CMD, Nacionalist Peoples Coalition (NPC) at National Unity Party (NUP).

PARTIDO FEDERAL NG PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with