^

Bansa

Mayor Guo, nasa Pinas pa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mayor Guo, nasa Pinas pa
In this June 9, 2023 Facebook post shows Mayor Alice Guo of Bamban, Tarlac.
Facebook/Mayor Alice Leal Guo

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Justice (DOJ) na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa ibang ahensiya ng pamahalaan, na nasa Pilipinas pa rin si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa isang press briefing, sinabi ni Justice Undersecretary Nicky Ty na, “Yung whereabouts ni Mayor Guo, meron naman kami, may information mula sa ibang mga ahensya, ‘yung mga kawani, na nandito pa siya sa Pilipinas.”

Matatandaang binigyan na ng Senado ng ultimatum ang mga awtoridad upang arestuhin si Guo.

Ang alkalde, na sinuspinde ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan dahil sa kasong graft na inihain ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ay ipinaaaresto ng Senado dahil sa pagtangging dumalo sa isinasagawa nilang inquiry na may kaugnayan sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa kanyang nasasakupan.

Sa naturang pagdinig, nakuwestiyon rin ang nasyunalidad ni Guo matapos na matuklasang malaki ang posibilidad na isa siyang Chinese national, bunsod nang pagiging Chinese national ng kanyang mga magulang at pagkakaroon niya ng parehong fingerprints sa Chinese passport holder na si Guo Huaping.

Naghain na rin naman ang Office of the Solicitor General (OSG) ng quo warranto petition sa Manila Regional Trial Court (RTC) upang mapatalsik siya bilang alkalde ng Bamban.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with