^

Bansa

DPWH umamin, walang national masterplan sa baha

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inamin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na wala itong national flood control masterplan sa pagkontrol ng baha sa buong bansa.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on public works, hinanap ni Sen. Imee Marcos kay DPWH Secretary Manuel Bonoan ang masterplan sa pagsugpo ng baha.

“Does this exist? Do we actually have a master plan... Until today we have no answer with regard to this master plan,” ani Marcos.

“Your honor as I mentioned, I think the updating of the feasibility of the masterplan is still ongoing in some aspects,” ani Bonoan.

Inimbestigahan ng komite ang nangyaring malawakang pagbaha dahil sa Bagyong Carina.

Sinabi rin ni Bonoan na may iba’t ibang masterplans sa 18 major basins nang pumasok ang kasalukuyang administrasyon. Nagsasagawa aniya sila ng updating kung saan ikinokonsidera ang climate change.

“So there’s an admission on the part of the DPWH that in fact a national flood control masterplan still does not exist? Tama po ba yon? Kasi hiwa-hiwalay yung 18. Di naman sila pinagdugtong-dugtong. Hindi pa naka-align sa MMDA. Merong sari-sarili rin at pira-piraso ‘yung ating LGU,” ani Marcos.

Aminado si Bonoan na ang natapos na 5,521 flood control projects ay “pinagtagpi-tagpi” lamang at magkakahiwalay na proyekto upang magbigay ng agarang tulong sa mga mabababang lugar sa bansa.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with