^

Bansa

Poe itinangging uupo bilang DTI sec.

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinuldukan ni Senator ni Sen. Grace Poe nitong Huwebes ang mga espekulasyon na papalitan niya si outgoing Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual.

Lumutang ang pangalan ni Poe na papalit kay Pascual na epektibo sa Biyernes ay bababa sa kanyang puwesto sa DTI para bumalik sa pribadong sektor.

Pinawi naman agad ni Poe ang mga haka-haka na iiwan niya ang trabaho sa Senado upang maging miyembro ng Gabinete.

“Hindi totoo na ako ay kinausap ukol dito,” ani Poe.

Idinagdag ni Poe na tinututukan niya ang kanyang trabaho sa Senado lalo pa’t magsisimula na ang pagdinig para sa panukalang 2025 national budget.

“Napakahalaga na ang mga pondong ilalaan sa susunod na taon ay tunay na makakatulong pagaanin ang buhay ng ating mga kababayan at hindi mawawaldas o masasayang ang kaban ng bayan,” dagdag ni Poe.

vuukle comment

GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with