^

Bansa

Biyahe abroad ni Pangulong Marcos mababawasan next year

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng mabawasan na ang mga biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na taon.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DBM Sec. Amenah Pangandaman na mahigit sa P1 bilyon ang hinihi­nging alokasyon ng Office of the President para sa mga biyahe ng Pangulo sa lokal at abroad.

Paliwanag ni Pangandaman na mas mababa ang nasabing halaga ng 8 porsiyento kumpara sa P1.148 bilyon na pondo ngayong taon.

Nilinaw naman ng kalihim na ang mga biyahe ng Pangulo sa ibang mga bansa ay bahagi pa rin ng pagsisikap ng administrasyon na maka engganyo ng maraming investments para sa Pilipinas.

Ngayong 2024, ay naka-7 biyahe si Pangulong Marcos sa iba’t ibang bansa habang nag-ikot din sa buong Pilipinas para sa pamimigay ng ayuda sa mga magsasaka at ­mangingisdang naapektuhan ng El Niño.

Nabatid na ang Office of the President (OP) ay humihingi ng P10.4 billion na budget para sa 2025, mas mababa ng P200 million kumpara ngayong taon.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with