^

Bansa

Sen. Cynthia Villar gustong mag-mayor sa 2025 elections

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sen. Cynthia Villar gustong mag-mayor sa 2025 elections
Senator Cynthia Villar on July 31, 2024.
STAR/ Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nais ni Senador Cynthia Villar na tumakbong mayor ng Las Piñas sa May 2025 elections.

Ayon kay Villar, nais niyang tumakbong mayor bagaman at gusto ng kanyang asawang si dating Senator Manny Villar na tumakbo siyang congresswoman.

“Gusto kong mag-mayor. Si Senator Villar gusto niya mag-congresswoman ako,” ani Villar.

Pero tiniyak ni Villar na sa kanilang mag-asawa ay siya ang masusunod sa huli.

Inaasahang makakalaban ni Villar ang kanyang pamangkin na si incumbent Vice Mayor April Aguilar.

Sinabi ni Villar na gusto niyang maging mayor dahil sa tingin niya ay malaki ang maitutulong niya sa Las Piñas bagaman at tingin aniya ng kanyang asawa ay mas may “value” siya sa Congress.

Pero nilinaw din ni Villar na ikokonsidera niya ang opinyon ng kanyang asawa at malalaman ang pinal na desisyon sa paghahain ng certificate of candidacy sa Oktubre.

Binanggit din ni Villar na marami siyang lokal na proyekto sa Las Piñas.

vuukle comment

CYNTHIA VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with