^

Bansa

Michael Yang pinaaaresto na ng Kamara sa P3.6 bilyong drug bust

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpalabas na ng arrest at detention order nitong Miyerkules ang Kamara laban sa dating Presidential adviser ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang dahil sa patuloy na hindi pagsipot sa pagdinig kaugnay ng umano’y pagkakasangkot nito sa P3.6 bilyong drug bust sa Mexico, Pampanga noong nakalipas na taon.

Isinilbi ni House Sergeant-at Arms ret. Gen. Napoleon Taas at team nito ang arrest order sa Fortun-Law Offices sa #134 CRM A­venue, BF Homes Almanza, Las Piñas City pero nabigong matagpuan si Yang.

Ang target na si Yang, kilala rin bilang Hong Ming Yang ay idinadawit bilang incorporator ng Empire 999 Realty Corp., na nagmamay-ari ng warehouse sa Mexico, Pampanga kung saan nakumpiska ang P3.6 bilyong halaga ng shabu.

Iniutos din ni Surigao del Norte 2ndDistrict Rep. Ro­bert Ace Barbers, chairman ng Committee on Dangerous Drugs ang pagkukulong kay Yang sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City sa loob ng 30 araw alinsunod sa Section 12 ng Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation of the 19th Congress sa kabiguang dumalo sa pagdinig.

Sinabi ni Barbers na posibleng nakalabas na ng bansa si Yang kung saan makikipagkoordinasyon ang kaniyang komite sa Bureau of Immigration at Department of Foreign Affairs (DFA) upang alertuhin ang iba pang bansa sa arrest order laban kay Yang.

“We were informed na ang subject ng arrest order ay wala na ho rito. ‘Yung last information that we have, he is in Dubai,” ayon kay Barbers na sinabing krusyal ang nalalaman ni Yang sa illegal drug activities na iniuugnay sa Empire 999.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with