^

Bansa

Ambag ni Tulfo sa liver transplant ng 150 Pinoy biliary atresia patients, pinuri

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinapurihan nitong Miyerkules ng Apollo Hospital na naka-base sa India ang ambag ni ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo dahil sa matagumpay na liver transplant sa may 150 Filipino na karamihan ay mga bata na may biliary atresia.

Sa isang programa ng pasasalamat nitong Miyerkules sa Edsa Shangri-La sa Makati na pinangunahan ng mga opisyal ng Apollo Hospital, personal nilang pinasalamatan si Tulfo na tumayo rin na kanilang guest of honor at speaker.

“Your unwavering commitment to supporting the medical needs of those in our community has been truly remarkable. Your compassionate efforts have not only save lives but have also provided hope and healing to individuals and families in need,” ani Gaurav Thakral, Deputy Head International Marketing ng nasabing ospital.

Partikular na tinukoy ng grupo ang naging papel ni Rep. Tulfo na personal na tumulong at nagpadala sa New Delhi, India sa 60 mga bata o sanggol na mayroong biliary atresia para sa kanilang “life-saving” liver transplant.

Inanunsyo ng Apollo Hospital ang anila’y “significant milestone” sa pediatric healthcare matapos ang matagumpay na 150 liver transplant para sa biliary atresia patients.

Sa mga nagdaang taon ang Apollo Hospital ay nag-aalok ng life-saving liver transplant susrgeries sa mga bata, na karamihan ay mula sa Pilipinas. Sa pakikipagtulungan ng mga may mga mabubuting puso at mga kilalang pilantropo na katulad ni Rep. Tulfo matagumpay na naisasagawa ang delikadong liver transplant sa mga batang Filipino.

vuukle comment

ERWIN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with