^

Bansa

Pondo ng PhilHealth sapat para sa benepisyo ng mga miyembro — Recto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pondo ng PhilHealth sapat para sa benepisyo ng mga miyembro � Recto
Finance Secretary Ralph Recto attends the Senate committee on health and demography hearing led by Senator Bong Go as they tackle the utilization of PhilHealth funds for program benefits on July 30, 2024.
Jesse Bustos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto na makakatanggap ng marami pang benepisyo ang milyong miyembro ng PhilHealth kahit gamitin ang unutilized subsidies na binibigay ng pamahalaan para dagdagan ang pondo ng PhilHealth.

Ayon kay Recto, sa kasalukuyan may P500 bilyon hawak ang government owned and controlled corporation (GOCC), higit pa sa sapat para punan ang kasalukuyang benepisyo ng mga PhilHealth beneficiaries pati na rin ang bagong medical benefits na inianunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

“PhilHealth na mismo ang nagsabi na ni isang kusing, walang kaltas sa mga benepisyong matatanggap, batay sa kasalukuyang patakaran,” sabi ng Finance chief.

“Bagkus, nabanggit pa nga ng Pangulo sa kanyang SONA na tataasan ang mga benepisyo ng PhilHealth para sa mga outpatient, mga may malulubhang karamdaman gaya ng cancer, at mga batang may kapansanan,” sambit pa niya.

Sa kanyang ikatlong SONA, inihayag ni Marcos na daragdagan ng PhilHealth ang bilang ng mga generic drugs para sa mga outpatient treatment sa 53 mula sa dating 21. Kabilang ang mga gamot para sa hypertension, nerve pain, at epileptic seizures.

Dodoblehin din ang benepisyo para sa miyembro na na-stroke at pneumonia ng hanggang P76,090.

Daragdagan din ang limit para sa breast cancer treatments para sa mga kasapi ng PhilHealth ng 1,000% kung saan gagawin na itong P1.4 milyon mula sa kasalukuyang P100,000. Bago magtapos ang taon, isasama rin ng PhilHealth sa kanilang benepisyo ang chemotheraphy para sa mga kanser sa baga, atay, obaryo at prostate.

Nilinaw pa ni Recto na hindi gagalawin ng pamahalaan ang kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth para sa paglipat ng pondo at ang tatapikin lamang ay ang hindi nagamit na government PhilHealth subsidies.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with