^

Bansa

Bong Go, tinanggalan din ng security escort

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isiniwalat ni Sen. Bong Go na hindi lamang si Vice President Sara Duterte ang tinanggalan ng PNP ng security personnel sa pagsasabing maging siya ay dumanas din nito.

Sinabi ni Go na tatlong linggo na ang nakalilipas ay tinanggalan din siya ng security ng PNP na kanya ring ikinabigla.

“Sabi ko po, hindi siya (VP Sara Duterte) nag-iisa dahil ako rin po natanggalan ng security, mas nauna pa ako sa kanya, mga three weeks ago pa po ito,” paliwanag ni Go.

“Alam n’yo, ang trabaho namin, kahit saang sulok po ako ng Pilipinas ay umabot po ako, at ‘yung kahit paano, may risk, may threat sa buhay namin,” ani Go na nagsabi pang mahalaga ang seguridad dahil sa uri ng kanilang trabaho. “Pero ako naman, sanay ako kahit saan, naglalakad tayo.”

Bilang vice chair ng Senate committee on public order at isang mamamayan, sinabi ni Go na nakababahala ang mga kamakailang kilos ng PNP na nakakaapekto sa seguridad ng ilang high ranking officials.

Hiniling niya sa pamunuan ng PNP na huwag maging selective, huwag haluan ng pulitika at gawin lang ang tama nang walang pinapanigan.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with