^

Bansa

Roque inamin kaugnayan sa ni-raid na bahay sa Benguet

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Roque inamin kaugnayan sa ni-raid na bahay sa Benguet
This photo shows the two foreign nationals nabbed by authorities in Tuba, Benguet.
Released / Bureau of Immigration

MANILA, Philippines — Inamin ni dating presidential spokesperson Harry Roque na may kaugnayan siya sa bahay sa Tuba, Benguet kung saan naaresto ang dayuhang pinaniniwalaang sangkot sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ayon kay Roque sa pagdalo sa Senado, incorporator siya ng kum­panyang nagmamay-ari ng residential house na pinaupahan sa isang Chinese national na nagngangalang Huan Yun.

Agad ding nilinaw ni Roque na legal ang pananatili ng Chinese national sa Pilipinas dahil meron itong “alien certificate of registration” at 9G o pre-arranged working visa.

Inamin din ni Roque na tinirahan niya ang nasabing bahay noong umalis siya sa gobyerno pero wala na anya sa kanya ang possession ng bahay as of January of 2024.

Ayon pa kay Roque, si Huan Yun ay isang “registered lessee” at “registered with the homeowners association” para makapasok siya sa subdivision.

“So nais ko po talagang malaman kung ano ‘yung ebidensya na ‘yung lalaking ‘yon ay involved sa Bamban dahil kung hindi naman po, eh talagang meron pong concerted effort na i-link ako dito sa mga POGO na akin namang tinatanggi po,” ani Roque.

Sa parehong pagdinig, sinabi ni Bureau of Immigration’s Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr., na ang dalawang dayuhang naaresto sa Benguet ay isang babaeng Chinese at isang lalaking Cambodian national.

Sa pagtatapos ng pagdinig, sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na ang isa sa mga nahuling lalaki ay wanted sa China at ang Cambodian passport naman ng isa ay fake at ang totoo ay isa itong Chinese.

vuukle comment

POGOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with