^

Bansa

Pangulong Marcos bumuo ng task force vs oil spill sa Bataan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos bumuo ng task force vs oil spill sa Bataan
Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Marcos sa Bataan, Pampanga at Bulacan na sinalanta ng bagyong Carina at habagat. Inalam din ng Pangulo ang lawak ng pinsala ng oil spill mula sa lumubog na MV Terranova sa Bataan.

MANILA, Philippines — Lumikha si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang inter-agency task Force para mapabiis na tugunan ang posibleng epekto ng oil spill mula sa Motor Tanker Terra Nova na lumubog sa baybayain ng Limay, Bataan sa kasagsagan ng bagyong Carina at Habagat nitong Huwebes.

Ang task force ay pangungunahan ng Office of the Civil Defense (OCD) katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Philippine Coast Guard (PCG), at Department of Interior and Local Government (DILG).

Kasama rin sa task force ang DOH, DOLE, at DSWD.

Inatasan naman ng Pangulo ang DENR, na makipagtulungan sa DOH para magsagawa ng kailangang pagsusuri sa kalidad ng tubig at hangin sa apektadong lugar.

Dapat aniyang masuri ng DOH ang kalusugan ng mga residente doon na apektado ng oil spill.

Inatasan din ang DOLE na magpatupad ng mga programang pangkabuhayan para sa naapektuhang residente gayundin ang DSWD para magbigay ng tulong sa mga biktima.

Sinabi ng Pangulo na kinakailangan ding makipagtulungan sa mga non-government organizations upang matugunan ang problema at sa local government units.

Lumubog malapit sa Liway, Bataan ang MT Terranova kung saan pinapangambahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagsirit ng 1.4 milyong litro ng industrial fuel sa katubigan.

Sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na mayroong malaking panganib ang oil spill dahil malapit lang ito sa Manila Bay.

vuukle comment

DENR

DOH

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with