Matinding pag-ulan ni ‘Carina’, habagat senyales ng La Niña – PAGASA

A bus stalls in the middle of E. Rodriguez Avenue while rescue personnel from the QCDRRMO and Barangay Damayan Lagi in Quezon City ferry stranded commuters and residents across the heavy flood caused by torrential rains brought by Typhoon #CarinaPH and the southwest monsoon on July 24, 2024.
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Atmospheric Geophysica Astronomical Service Administration (PAGASA)  na maituturing na “precursory sign” ng La Niña ang ma­tinding pag-ulan na dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Carina.

Ayon kay Ana Liza Solis, chief ng Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA, ito ang kanilang minomonitor sa ngayon.

Sinabi nito sa climate forum na habang ang kasalukuyang mga kondisyon ay ENSO-neutral (El Niño Southern Oscillation-neutral), kung saan wala ang La Niña o El Niño, ang kasaluku­yang mga pattern ng ­panahon ay nagpapahiwatig na ang La Niña ay maaaring papalapit na.

Sinabi ni Solis na mayroong 70 porsiyentong posibilidad na mag-develop ang La Niña sa panahon ng Agosto, ­Setyembre at Oktubre.

Show comments