^

Bansa

Tanker may kargang 1.4 milyong litro langis, lumubog sa Bataan

Mer Layson, Doris Franche-Borja, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tanker may kargang 1.4 milyong litro langis, lumubog sa Bataan
The Philippine Coast Guard (PCG) conducted a rescue mission for a Philippine-flagged tanker that capsized and sank in waters off Manila early Thursday morning July 25, 2024.
Facebook/PCG

MANILA, Philippines — Isang motor tanker na may kargang mga langis ang lumubog na ikinasawi ng isang tripulante habang 16 ang nailigtas, sa kasagsagan ng bagyong Carina at Habagat, kahapon ng madaling araw sa Limay, Bataan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nagsasagawa na sila ng search, rescue, at oil spill response operations sa lugar.

Batay sa ulat, sangkot sa insidente ang MT Terra Nova motor tanker kung saan sakay ang nasa 17 crew. Hindi muna isinapubliko ng PCG ang pagkakakilanlan ng nasawing tripulante.

Dakong alas-3 na ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima habang palutang-lutang sa dagat, di kalayuan sa lugar, kung saan lumubog ang tanker.

Naganap ang insidente sa kasagsagan ng pag-ulan sa layong 3.6 nautical miles silangan ng Lamao Point sa bayan ng Limay bandang 1:10 ng umaga.

Agad na na-rescue ng BRP Melchora Aquino ang 16 tripulante na binigyan ng medical attention.

Ang MT Terra Nova, na patungo sana sa Iloilo, ay may kargang 1.4 milyong litro ng industrial fuel.

Pinapa-assess na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang epekto sa kalikasan ng oil spill sa baybayin ng Bataan.

Partikular na inatasan ng Pangulo ang DENR, DOST at PCG na pangunahan ang assessment.

Kailangan aniya na malaman kung anong coastal areas ang maapektuhan ng oil spill para handa ang gobyerno sa kaukulang tulong at remedyo sa sitwasyon.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with