^

Bansa

Gawing inspirasyon buhay ni Apolinario Mabini — Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Kabataan hinimok

MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kabataan na tularan ang kabayanihan na ipinamalas ng bayaning si Apolinario Mabini.

Sa talumpati  sa ika-160 kaarawan ni Mabini sa Mabini Shrine sa Tanauan City, Batangas, sinabi ni Pangulong Marcos na ito ay para magtagumpay sa buhay ang mga Kabataan.

“Tinatawagan ko ang mga kabataang Pilipino ngayon na gawing inspiras­yon at halimbawa ang buhay ni Apolinario Mabini upang magpunyagi sa buhay,” pahayag ni Pa­ngulong Marcos.

Umaasa rin ang Pangulo na mauunawaan ng mga batang henerasyon ang  mga pilosopiyang pampulitika at panlipunan ni Mabini para  sila ay mahikayat na mag-ambag sa pagsulong ng ating bansa.

Bukod dito hinikayat din ng Pangulo ang mga Filipino na magkaisa para maisakatuparan ang mga hangarin ni Mabini patungo sa Bagong Pilipinas.

Si Mabini ay isang lumpo at ipinanganak sa Z, ­Tana­uan noong Hulyo 23, 1864 at nagtapos ng abogasya sa University of Sto. Tomas noong 1894.

Nasa edad 30 si Mabini nang magkasakit dahilan ng kanyang pagkalumpo subalit hindi ito naging hadlang para itaguyod ang kabayanihan sa bayan.

APOLINARIO MABINI

STUDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with