^

Bansa

Pangako ni Pangulong Marcos na pagpapalawak sa Super Health Centers pinuri ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pasasalamat si Senador Christopher “Bong” Go kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pangako ng Punong Ehekutibo na pararamihin pa ang bilang ng mga Super Health Center sa buong bansa.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Go ang kritikal na papel ng mga SHC sa pagpapahusay ng pagkakaroon ng mahalagang serbisyong medikal, lalo sa mga komunidad na may problema sa heograpiya at ekonomiya.

Sa pagninilay sa sinabi ng Pangulo sa katatapos na State of the Nation Address (SONA), muling iginiit ni Go ang pangangailangang ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga tao, partikular sa primary healthcare.

“Una sa lahat, bilang chair ng Senate health committee, nais kong pasalamatan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangako na dadagdagan pa ang mga Super Health Centers sa buong bansa sa mga susunod na taon,” sabi ni Go.

“Isa ito sa matagal na nating ipinaglalaban na mapondohan para mailapit ang pangunahing serbisyo medikal sa mga mahihirap at mga naninirahan sa mga liblib at malalayong lugar,” dagdag niya.

Ang inisyatibang Super Health Centers ay unang itinulak ni Go bilang chair ng Senate committee on health noong 2021 budget deliberations, isang taon bago ang administrasyong Marcos.

Idinesenyo ang mga Super Health Center upang matutukan ang pangunahing pangangalaga, konsultasyon, at maagang pagtuklas sa mga sakit. Nagpapalakas din ito sa sektor ng healthcare sa bansa, lalo sa indigent communities.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr., sa kanyang SONA, ang pakikipagtulungan sa local government units (LGUs) sa pagtatayo ng mga Super Health Center, na krusyal para sa paglalagay ng sapat na mga doktor at nars.

vuukle comment

HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with