^

Bansa

GPRA magpapabuti sa government procurement

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Positibo si Quezon City 1st District Rep. Juan Carlos “Arjo’ Atayde na higit na mapapabuti, iwas korapsyon at epektibo ang isinabatas na bagong Government Procurement Reform Act (GPRA).

Si Atayde ay isa sa may-akda ng GPRA na nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sinaksihan ng mga mambabatas sa Kamara at Senado sa Malacañang ka­makailan. Ang isinabatas na GPRA ay magbibigay halimbawa sa pagsulong ng reporma sa paggamit ng kapangyarihan ng teknolohiya upang mapagbuti pa ang pamamalakad at serbisyo publiko.

“Legislation must evolve with the times. The Government Procurement Reform Act ensures that our procurement processes are not just efficient, but also maximize existing and emerging technologies,” paliwanag ni Atayde.

Sa ilalim ng GPRA, iniintrodyus nito ang paggamit ng electronic sa marketplace kung saan maari ring gumamit ng digital sa pagbili ng mga karaniwan ng equipment. Ito ay may mandato para sa naakmang market scoping, pagpoposisyon ng mga supplies na nagkakaloob ng opsiyon para sa bibilhing kagamitan.

Dito’y binabawasan rin ang period ng pag-aksiyon sa mga aktibidad sa procurement ng mula 90 hanggang 60 araw. Idinagdag pa ni Atayde na ang bagong batas ay pagyakap sa teknolohiya para palakasin pa ang transpa­rency at accountability sa procurement sa pamahalaan na isang mahalagang pagbabago para sa bansa.

vuukle comment

GOVERNMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with