Libreng Wi-Fi palalawakin
MANILA, Philippines — Mas palalakasin pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang libreng Wi-Fi program sa bansa.
Sa ikatlong State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Marcos na asahan nang matatapos ang Phase 2 at 3 ng National Fiber Backbone sa taong 2026.
Sa sandaling matapos na aniya ang fiber backbone ay magbibigay ito ng sapat na kapasidad sa bandwidth.
Sa ngayon ay nasa 10 milyong unique devices ang nakikinabang sa libreng internet sa mahigit 13,000 lugar sa buong Pilipinas.
Nasasagap aniya ito sa mga paaralan at sa mga malalayong lugar.
Nabatid na noong 2022, 77 porsyento o 20.6 milyong households ang konektado sa internet na masyado aniyang mababang bilang.
Umaasa naman ang Pangulo na dahil sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor, makapagtatayo ng common towers para mapalakas pa ang libreng Wi-Fi.
- Latest