^

Bansa

Amyenda sa EPIRA Law pinabubusisi ni Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na busisiin kung kailangan nang amyendahan ang Electric Power Reform Act o EPIRA para mapababa ang presyo ng kuryente sa bansa.

Sa ikatlong State of the Nation address (SONA) ng Pangulo, sinabi niya na pinag-aaralan na ng gobyerno kung napapanahon na para amyendahan ang EPIRA law at kung angkop pa ito sa mga Filipino.

“Hinihiling ko sa kongreso na pagtulungan na natin ito alang-alang sa kapakanan ng mga Filipino. Sa taas ng presyo ng kuryente sa bansa, nahihirapan hindi lamang ang mga negosyante kung hindi lalo na ang taumbayan,” ayon pa sa Pangulo.

Matatandaan na naging ganap na batas ang EPIRA noong 2001 na naglalayon na magkaroon ng realiable at mababang presyo ng kuryente sa bansa.

Sa ilalim din ng nasabing batas ay ang dibisyon ng electric power industry sa apat na sub-sectors-generation, transmission, distribution, at supply para masiguro ang level-playing field sa mga players sa sektor ng enerhiyan.

Nauna na rin sinabi ni Marcos na ilang probisyon sa naturang batas ay “outdated”o luma na at wala na sa panahon.

Sa SONA pa ng Pangulo, nangako ito na patuloy ang kanyang administrasyon para tugunan ang power shortages at systems blackout sa buong bansa.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with