^

Bansa

Usapin sa pagkain, trabaho inaasahan ng mga Pinoy sa SONA

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Usapin sa pagkain, trabaho inaasahan ng mga Pinoy sa SONA
President Ferdinand Marcos Jr. holds rehearsal for his third State of the Nation Address (SONA) on Monday, July 22, 2024.
Photo by PCO

MANILA, Philippines — Inaasahan ng mga Pinoy na tatalakayin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang usapin tungkol sa pagkain at trabaho sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ngayon.

Kabilang dito ang pagpapababa sa presyo ng mga bilihin partikular ang bigas at taas sahod ng mga manggagawa.

Ayon naman kay Se­nate President Francis “Chiz” Escudero, dahil natapos na ang kalahati ng termino ng Pangulo, tiyak na ibabahagi nito ang mga nagawa tungkol sa problema ng bansa at ang mga gagawin sa mga susunod na taon.

“Hati ‘yan dahil kalahati ito ng termino, kalahati ano na nagawa kaugnay ng mga problema at ano pa ang gagawin sa susunod na mga taon,” ani Escudero.

First time na uupo ni Escudero kahanay ng Pa­ngulo at ni Speaker Martin Romualdez sa gagawing SONA ngayon,

Sa nakalipas aniyang 23 taon bilang mambabatas, hindi niya hinulaan o pinangunahan ang mga inaasahang tatalakayin ng Pangulo.

Idinagdag ni Escudero na magbibigay na lamang siya ng komentaryo pagkatapos ng SONA ng Pa­ngulo.

Sa tanong kung dapat ianunsiyo ng Pangulo sa SONA ang tuluyang pag ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), sinabi ni Escudero na walang maaaring magbawal sa Pa­ngulo kung ano ang mga nais nitong ihayag sa kanyang SONA.

Para naman kay Sen. Alan Peter Cayetano, ang magandang SONA ay babalangkas ng isang matatag na infrastructure plan na mag-iiwan ng pangmatagalang pamana para sa mga Pilipino.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with