^

Bansa

Maulang SONA asahan – PAGASA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Maulang SONA asahan � PAGASA
Sa report ng PAGASA-Department of Science and Technology, ang ulan ay dulot na rin ng southwest monsoon o habagat na pinapalakas pa ng Tropical Storm Carina.
PAGASA

MANILA, Philippines — Makakaranas ng malakas na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila ngayong Lunes kasabay ng gaganaping ikatlong SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa report ng PAGASA-Department of Science and Technology, ang ulan ay dulot na rin ng southwest monsoon o habagat na pinapalakas pa ng Tropical Storm Carina.

Nakatakdang mag-ulat sa bayan ang Pangulong Marcos sa Batasang Pambasang Complex sa Batasan Hills, Quezon City.

Inaasahan din na marami ang magsasagawa ng protesta sa mga kalsada sa paligid ng nasabing lugar.

Sa forecast ng PAGASA, makararanas ngayon araw ng panaka-nakang pag-ulan hanggang sa malakas sa Metro Manila, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas at Calamian Islands.

Mararanasan naman sa La Union, Pangasinan, Benguet, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro ngayong Lunes ang heavy to intense rains.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with