Top government officials performance survey inilabas ng RPMD
MANILA, Philippines — Inilabas ng RPMD Foundation Inc. (RPMD) ang mga resulta ng kanilang “Boses ng Bayan” survey, isang malayang pagsusuri sa buong bansa na sumusukat sa “trust” at “performance” ng mga pangunahing opisyal ng gobyerno.
Nakatanggap si Pres. Ferdinand Marcos Jr. ng 77% ‘trust’ at 75% ‘job approval’ ratings, samantalang si VP Sara Duterte ay nakakuha ng 77% ‘trust’ at 71% ‘job approval’.
Sinuri rin ng surbey ang iba pang top political leader - Senate President Chiz Escudero na may 68% ‘trust’ at 65% ‘job approval’; House Speaker Martin Romualdez , 75% ‘trust’ at 73% ‘job approval’.
Pinakamataas na trust rating ni PBBM ay 80.70% sa Balance of Luzon at pinakamababa sa 70.16% sa Mindanao. Si VP Sara ay may pinakamataas na trust na 81.74% sa Mindanao at pinakamababa na 72.68% sa NCR. Sa job performance, pinakamataas si PBBM sa Balance of Luzon, 78.07% at pinakamababa sa NCR, 69.64%. Pinakamataas na job performance ni VP Sara ay nasa 76.23% sa Mindanao at pinakamababa sa NCR, 67.38%.
Nanguna sa ‘top performing’ cabinet officials si DILG Sec. Benhur Abalos Jr., 93%; sinundan nina DSWD Sec. Rex Gatchalian, 91%; DOT Sec. Christina Garcia Frasco, 90%; DBM Sec. Mina Pangandaman, 88%; DOF Sec. Ralph Recto, 86%, DOJ Sec. Boying Remulla, 84%.
Press Sec. Cheloy Garafil, 82%; DTI Sec. Alfredo Pascual, 81%; DPWH Sec. Manuel Bonoan, 79%. DICT Sec. Ivan John Uy, 77%; DOH Sec. Ted Herbosa, 76%, at DHSUD Sec. Jerry Acuzar, 74%.
Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., 72%; SolGen Menardo Guevarra, 71%; DOST Renato Solidum Jr., 69%, at NEDA Sec. Arsenio Balisacan, 67%. Pasok din sa listahan sina DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, 65%; Executive Sec. Bersamin Lucas, 64%, DOTr Sec. Jaime Bautista, 62%, at Defense Sec. Gibo Teodoro Jr., 60%.
Ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD at Global Affairs Analyst, isinagawa mula Hulyo 1-10, 2024 (2nd quarter), ang “Boses ng Bayan” survey ay may 10,000 adult participants na kumakatawan sa 67.75 milyong botante sa buong bansa.
- Latest