^

Bansa

Bong Go, ginunita nawalang oras sa pamilya para maglingkod sa bayan

Pilipino Star Ngayon
Bong Go, ginunita nawalang oras sa pamilya para maglingkod sa bayan
Si Sen. Bong Go habang kinakapanayam ni Doc Willie Ong.
STAR/File

MANILA, Philippines — Naging emosyonal si Senator Christopher “Bong” Go sa pagbabalik-tanaw sa nawalang oras para sa kanyang pamilya ngunit sinabing nalampasan niya ang naturang panghihina­yang sa pamamagitan ng paglilingkod sa bayan.

Naging panauhin si Sena­tor Go ng kapwa health advocate na si Doc Willie Ong sa isang panayam sa Facebook Live.

“Sa totoo lang po, nalulungkot din ako dahil na-deprive ko po ‘yung anak ko nang 26 years nu’ng panahon ko dahil sa trabaho,” sabi ni Go na nagsilbi kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng mahigit 20 taon.

Ayon kay Go, dahil sa kanilang hectic schedule, ang pinaka-miss niya at ng kanyang pamilya ay ang mga hapunan na magkasama.

Buong pagmamala­king binanggit ni Go na ang kanyang anak na nagtapos na summa cum laude ng BS Accountancy sa De La Salle University at Top 3 sa CPA Licensure Exams noong 2019 ay ang class valedictorian ngayong taon sa Ateneo Law School – isang tagumpay na pilit itinatago ng anak.

“Hindi niya sinabi sa akin na valedictorian siya ng klase n’ya. Sa iba ko pa po nalaman. Bisyo ko magserbisyo. Siya, bisyo niya ang pag-aaral. At proud po ako na mayroon po akong anak na matalino,” ang may pagmamalaking sabi ni Go.

Sinabi ng mambabatas mula sa Davao City na ang nagbibigay sa kanya ng fulfillment ay ang pagtulong sa mga mahihirap at margi­nalized sector.

Sumang-ayon si Doc Willie sa sinabi ni Go sa pagsasabing kilala na niya noon pa ang senador. “Nakilala ko na siya (Sen. Bong Go) several times. Nag-meet tayo 2018 and every time na nakikita ko si Sen. Bong Go, makikita mo talaga, hindi ito bola, talagang mukhang heartfelt talaga. Marunong naman akong kumilala ng tao.”

Ayon kay Go, ang pagi­ging senador ay hindi bahagi ng kanyang plano ngunit naging inspirasyon niya ang serbisyo-publiko na personal niyang nasaksihan mula kay dating Pangulong Duterte.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with