^

Bansa

48 flights nakansela dahil sa Global IT outage

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
48 flights nakansela dahil sa Global IT outage
Photos show the situation at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 in Pasay City on July 20, 2024 after several flights were delayed due to global-scale Microsoft outage.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nasa 48 flights ang kinansela kahapon ng Manila International Airport Authority (MIAA) dahil sa global outage ng Microsoft IT system na nagdulot ng pagkagambala sa operasyon ng mga airline, bangko at telecommunication companies sa buong mundo.

Alas-8 ng umaga kahapon nang ianunsiyo ng MIAA ang kanselasyon ng 48 international at local flights na naka-schedule ng Sabado.

Para mabawasan ang congestion sa airport, pinapayuhan ng MIAA ang lahat ng apektadong pasahero na suriin muna ang kanilang flight schedule bago pumunta sa airport, at para sa pinakabagong update sa kanilang flight schedule, direktang makipag-ugnayan sa kani-kanilang airlines.

Samantala, patuloy na tinutulungan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ilang biyahero na na-stranded sa Davao International Airport habang naghihintay ng rescheduled flights.

Iniulat ng CAAP Area Center 11 na mayroon na lamang 87 pasahero ang natitira sa Davao International Airport. Ang mga tauhan ng CAAP ay aktibong nagbibigay ng mga pagkain at malasakit kits sa mga apektadong pasahero.

Dahil ang mga airline ay nag-upgrade ng kanilang A320 sa A330 na sasakyang panghimpapawid upang tumanggap ng mas maraming pasahero, ang bilang ng mga biyahero ngayong hapon na naghihintay pa rin sa paliparan upang ma-rebook ay nabawasan, mula sa 1,400 noong Biyernes ay naging 39 na lamang simula 12:30 ng tanghali ngayon.

Sa kasalukuyan, habang nagsisimulang maging normal ang mga operasyon sa paliparan, nagsusumikap pa rin ang CAAP na subaybayan ang lahat ng mga flight.

Pinaalalahanan din ang mga apektadong pasahero na iwasang pumunta sa airport kung kakanselahin ang kanilang flight para maiwasan ang congestion.

FLIGHTS

MIAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with