SM Foundation naghatid ng tulong sa mga biktima ng baha sa Zamboanga City
MANILA, Philippines — Sa pagtugon sa matinding baha na dala ng walang tigil na ulan, naglunsad ang SM Foundation ng Operation Tulong Express (OPTE) upang magbigay ng tulong sa mga pamilyang apektado sa Zamboanga City.
Sa tulong ng mga empleyado at volunteer mula sa SM City Mindpro, ipinamahagi ng foundation ang 107 Kalinga packs sa Barangay Talon-Talon, 160 packs sa Barangay San Jose Gusu, at 62 packs sa Barangay Baliwasan.
Ang mga Kalinga packs na ito ay naglalaman ng mga essential supplies na makakatulong sa mga pamilya habang sila’y nasa gitna ng pinsala dulot ng baha.
Ang OPTE ay isang programa ng SM Foundation, SM Supermalls, at SM Markets. Ito ay naglalayong magbigay ng agarang tulong sa panahon ng mga kalamidad at krisis. Sa kasalukuyan, mahigit na sa 800,000 Kalinga packs ang naipamahagi ng programa sa buong bansa.
- Latest