^

Bansa

1,200 pekeng birth certificate sa Davao del Sur, ‘tip of the iceberg’ lang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala si Senate President Francis “Chiz” Escudero na “tip of the iceberg” pa lang ang natanggap na impormasyon ng National Bureau of Investigation na may 1,200 mga dayuhan na pinaniniwalaang mga Chinese ang nakakuha ng pekeng birth certificate sa Davao del Sur sa pamamagitan ng late registration.

Naniniwala si Escudero na hindi si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang una at huli na nakakuha ng fake birth certificate dito sa ating bansa sa pamamagitan ng late birth registration dahil taong 2016 noong nakakuha ng birth certificate ang mga pinaniniwalang Chinese nationals sa Davao del Sur.

Ipinaalala ni Escudero na nangyari ito noong panahon ng Duterte administration pero tiyak anyang matagal nang nangyayari ang ganitong klase ng raket.

Iginiit naman ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na nakakaalarma ang naturang report na natanggap ng NBI dahil sinasabing marami sa nakakuha ng pekeng birth certificate ay may criminal records.

Dapat anyang magkaroon ng kumprehensibong imbestigasyon para malaman paano nakakuha ng birth certificate ang mga dayuhan sa Davao del Sur.

BIRTH CERTIFICATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with