^

Bansa

Garcia pinadadalo ng Kamara sa Comelec-Miru deal probe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinadadalo ni Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta si Comelec Chairman George Erwin Garcia sa isasagawang pagdinig ng Kamara sa kontrobersyal na offshore bank accounts umano ng isang opisyal ng poll body na inuugnay sa P18 bilyong deal sa South Korean firm Miru Systems Co. Ltd. sa gaganaping 2025 midterm elections.

Kasabay nito, sinabi ni Marcoleta na umaasa siyang tototohanin ni Garcia ang sinabi nito na mage-execute siya ng waiver sa secrecy ng bank deposits upang mapabilis ang imbestigasyon ng Kongreso sa umano’y panunuhol ng Miru sa isang opisyal ng Comelec para makuha ang nasabing deal.

Una nang ibinunyag ni Marcoleta na isa umanong mataas na opisyal ng Comelec ang nagawang makapagbukas ng offshore accounts na nasa $2.1 milyon o P120-M deposit mula sa isang taga Miru.

Sa pahayag ni Marcoleta, nasa 14 bagong bukas na bank accounts sa Cayman Islands sa Caribbean, China, Hong Kong, North America at Singapore na pawang nasa pangalan ng nasabing Comelec official na kabuuang $15.2 milyon o halos nasa P1 bilyon sa iba’t-ibang denominasyon. Ang nasabing opisyal ay may kabuuang 49 offshore bank accounts sa 18 global banks.

Bagaman hindi tinukoy ni Marcoleta ang pangalan ni Garcia ay sinabi ng Comelec Chairman na wala ng iba pang patatamaan ang solon maliban sa kaniya na iginiit na bahagi ito ng ‘demolition job’ laban sa kaniya at ng Comelec lalo na at siya ang pinakamataas na opisyal dito.

Muli ring umapela si Marcoleta sa Comelec na ibasura ang kontrobersiyal na deal nito sa Miru para mangolekta at magbilang ng boto sa 2025 midterm polls dahi sa isyu ng glitches sa ibang bansa partikular na sa Kongo, Iraq at Korea.

vuukle comment

COMELEC

KOREAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with