^

Bansa

Pag-asa, suporta inihatid ni Bong Go sa mahihirap sa Caraga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Noong Sabado, hina­tiran ni Senator Christopher “Bong” Go ng pag-asa at suporta ang nasa 2,250 mahihirap na residente sa Caraga, Davao Oriental. 

Ang kanyang pagbi­sita ay kasabay ng pagdiriwang ng 121st Araw ng Caraga at 2nd Kaan Silatan Festival.

Namahagi si Go at ang kanyang Malasakit Team ng food packs, shirts, basketballs, volleyballs, masks, vitamins, at bags sa mga benepisyaryo sa RSO Compound sa Barangay Poblacion. Na­katanggap din ang mga piling benepisyaryo ng mga bisikleta, mobile phone, relo, at sapatos.

Samantala, sa pakikipagtulungan ng kapwa Senador Robin Padilla at Francis Tolentino, Congressman Nelson Da­yang­hirang, Mayor Ronnie Osnan, at lokal na pamahalaan, nakatanggap ang mga benepisyaryo ng tulong pinansyal mula sa pambansang pamahalaan upang masuportahan ang kanilang pangunahing pa­­ngangailangan.

Kinilala ni Go ang mga opisyal sa kanilang patuloy na paglilingkod sa mga nasasakupan, kabilang sina Congressman Dayanghirang, Vice Governor Nelson Dayanghirang Jr., Board Members Andy Monday at Tata Nuñez Castro, Mayor Osnan, at Vice Mayor Melody Anne Benitez, bukod sa iba pang naroroon. 

Sa kanyang kapasidad bilang vice chairperson ng Senate committee on finance, sinuportahan din ni Go ang iba’t ibang hakbangin sa lungsod, kabilang ang pagpapagawa ng ilang kalsada, konstruksyon ng Davao Oriental Sports Complex, rehabilitasyon­ ng Buso Hot Spring Park, at konstruksyon ng Public Park/Eco-Tourism Park.

vuukle comment

FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with