^

Bansa

Agenda ng Kamara inilatag ni Romualdez

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pag-apruba ng Kamara sa panukalang 2025 national budget, at nalalabing priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Sinabi ni Romualdez na handa na ang Kamara na tanggapin ang panukalang P6.325 trilyong National Expenditure Program (NEP), na siyang pagbabatayan sa gagawing 2025 General Appropriations Bill (GAB). Target umano ng Kamara na aprubahan ito sa Setyembre.

Tiniyak ng lider ng Kamara, na mayroong mahigit 300 kinatawan ang mabilis na pagpasa ng budget para sa susunod na taon.

Ang 2025 NEP, ay mas mataas ng 10 porsiyento sa P5.768-trilyong budget ngayong taon.

Inaasahan na isusumite ng Department of Budget and Management ang 2025 NEP sa Hulyo 29, matapos itong repa­suhin ng buong Gabinete.

Bukod sa panukalang budget, sinabi ni Romualdez na ipapasa rin ng Kamara ang mga panukala na nais na maging batas ng Pangulo sa nalalabing bahagi ng 19th Congress.

Kung mayroon umanong dagdag na panukala na hihilingin ang Pangulo sa kanyang SONA ay bibigyan din ito ng prayoridad ng Kamara na maipasa.

Mula sa simula ng 19th Congress noong Hulyo 2022, makikita ang magandang performance ng Kamara.

LEDAC

MARTIN G. ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with