Tolentino: Local bills tatalakayin ng Senado sa pagbabalik ng sesyon
MANILA, Philippines — Inihayag ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino na haharapin ng Senado ang mga lokal na panukalang batas na dapat aksyunan sa pagpapatuloy ng sesyon sa Hulyo 22.
Sinabi ni Tolentino na sa ika-23 ng Hulyo, ilalaan ng Senado ang buong araw sa local bills na siyang pinagkasunduan dahil maraming lokal na panukalang batas mula sa local governments at distrito na dapat aksyunan.
“This will be dedicated to local measures,” aniya.
Sinabi ni Tolentino na inaasahan niyang ipadadala ng mga kinatawan ng Kamara ang mga lokal na panukalang batas sa Senado, na may kinalaman sa pagpapalit ng pangalan ng mga kolehiyo at deklarasyon ng mga anibersaryo ng mga bayan.
Aniya, ang mga lokal na panukalang batas ay dapat harapin nang hiwalay sa mga priority measures dahil ito ay maisasantabi.
- Latest