Gobyerno handa sa La Niña – MMDA
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa ang gobyerno sa pagpasok ng La Niña sa bansa.
Ayon kay MMDA head of Special Events Emmanuel Miro, bilang paghahanda sa La Niña ay patuloy na naglilinis ng mga kanal, estero at iba pang mga daluyan ng tubig ang kanilang flood control office.
Nauna nang nag-isyu ng La Niña alert ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, kaya inaasahan na 70 porsiyento na mabubuo ang La Niña ng Agosto hanggang Oktubre na tatagal hanggang unang quarter ng 2025.
Siniguro na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos na handa ang gobyerno sa paparating na La Niña.
Naghahanda na rin ang mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Energy (DOE) sakaling magkaroon ng damage ang transmission lines.
Gayundin ang Department of Agriculture (DA) na siyang mangangasiwa sa tubig at distribusyon ng flood tolerant rice varieties.
- Latest