^

Bansa

FL Liza tiyahin nina Bimby at Josh - Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
FL Liza tiyahin nina Bimby at Josh - Marcos
First Lady Liza Araneta-Marcos shared a photo with the sons of Kris Aquino, Josh and Bimby, on July 9, 2024.
Liza Araneta-Marcos via Facebook

MANILA, Philippines — Humingi ng tulong si Kris Aquino kay First Lady Liza Marcos kaya bumisita ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby sa Unang Ginang kamakalawa.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang dahilan ng pagdalaw ni Joshua at Bimby sa Unang Ginang ay dahil kailangan ng assistance ni Kris.

“The reason na pinuntahan nila si First Lady ay simple lamang. Nangailangan si... I think it was Kris Aquino who needed some assistance for something. But what the reports did not say is that Liza is their aunt. Dahil ang kanyang auntie ay napangasawa si Don Pepe, the eldest brother of Cory,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Hindi na aniya nakakapagtaka dahil kilalang-kilala ng unang ginang ang kanyang mga pamangkin at dinalhan pa siya ng pasalubong.

Sinabi pa ni Marcos na humihingi ng tulong para sa travel arrangements si Kris.

Nagpasalamat naman aniya ang pamilya Aquino sa anumang tulong ni FL Marcos na isa aniyang tanda na maayos ang kanilang pamilya, maliban na lamang sa mga hindi nila pinagkakasunduan sa politika.

vuukle comment

LIZA MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with