^

Bansa

Comelec official tumanggap ng P120 milyon sa Miru - solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Comelec official tumanggap ng P120 milyon sa Miru - solon
Ayon kay Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta, ang bagong alegasyon ng korapsyon ay sapat na aniyang dahilan para tuluyang ibasura ang P18 bilyong kontrata sa Miru na base sa ruling ng Korte Suprema ay void at non-existent para sa automated polls sa bansa.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Isang top official ng Commission on Elections (Comelec) ang umano’y nagbukas ng offshore bank accounts at tumanggap ng hanggang P120 milyon mula sa kontrobersyal na South Korean firm Miru Systems Co. LTd.

Ayon kay Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta, ang bagong alegasyon ng korapsyon ay sapat na aniyang dahilan para tuluyang ibasura ang P18 bilyong kontrata sa Miru na base sa ruling ng Korte Suprema ay void at non-existent para sa automated polls sa bansa.

“Your guess is as good as mine,” tugon ni Marcoleta nang matanong sa posibilidad na sinuhulan ng Miru ang Comelec para makuha ang P18 bilyong kontrata sa automated polls kung saan agad idiniskuwalipika sa bidding ang Smartmatic.

“Several offshore bank accounts were allegedly opened under the name of a Comelec official. These bank accounts were opened from the time the official assumed office up to as recent as the end of 2023,” pahayag pa ni Marcoleta na ipinakita sa slides ang 18 bangko na may 49 bank accounts ng transaksiyon sa ipinadalang pera umano sa isang Comelec official na tumanggi naman nitong pangalanan habang patuloy pa umano ang pagbeberipika ng kaniyang tanggapan sa mga kahina-hinalang bank accounts.

Sinabi ni Marcoleta na ang nasabing Comelec official ay may 14 bagong bukas na bank accounts sa Cayman Islands sa Caribbean, China, Hong Kong, North America at Singapore na iba’t-iba ang denominasyon kung saan ang pera nito ay umaabot sa 415.2 milyon o halos P1 bilyon.

Idineposito ito sa bank accounts ng nasabing opis­yal mula Hunyo hanggang Marso ng taong ito.

“I urge you, cancel the Miru-Comelec deal now as we investigate these very serious allegations! We need not fear any failure of elections in 2025, because the government has already in its possession tried and tested VCMs (Voters Counting Machine) that are in good working condition,” dagdag pa ni Marcoleta na sinabing maghahain siya ng resolusyon para imbestigahan ang kasong ito.

vuukle comment

MONEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with