^

Bansa

China hinarang medical evac sa Ayungin — Philippine Navy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinarang muli ng China Coast Guard (CCG) ang emergency medical evacuation ng isang maysakit na Phl Navy personnel mula sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS) nitong Linggo (Hulyo 7).

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Phl Navy spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na pinigilan ng 102 metrong habang barko ng CCG kasama ng anim na maritime militia vessels ang evacua­tion ng maysakit na Navy personnel.“Meron tayong isang tropa na masama ang pakiramdam who needed to be evacuated, ‘yung kaniyang condition warranted medical evacua­tion,” ani Trinidad. Sa kabila ng pagharang ay naging matagumpay ang medical evacuation.

Base sa satellite ima­ges mula sa South China Sea monitor Sealight, isang CCG ship at anim na Chinese maritime militias ang naglayag malapit sa PCGs BRP Cabra at BRP Cape Engaño kung saan dumaan ang mga ito may 14 nautical miles sa silangang bahagi ng Ayungin Shoal.

Noong nakalipas na Mayo 19 ay nasangkot na rin ang CCG sa panghaharang sa medical evacuation ng isa ring maysakit na Navy personnel na nakabase sa BRP Sierra Madre. Binangga rin ng CCG ang bangka ng Philppine Coast Guard (PCG) na sakay ang maysakit na Navy personnel na dadalhin sana sa hospital.

Gayundin ay inagaw ng CCG ang airdrop ng pagkain at iba pang supplies ng aircraft ng Philippine Air Force (PAF) para sa Ayungin troops kung saan matapos bulatlatin ay itinapon ito sa dagat.

vuukle comment

PHILIPPINE NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with