NPC magsasampa ng reklamo vs Cayetano
MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng National Press Club of the Philippines na magsampa ng reklamo laban kay Senador Alan Peter Cayetano dahil sa “misleading” na sagot ng senador sa hamon ng NPC na pangalanan niya ang ginawang alegasyon na may 10 istasyon ng radyo na nagsasagawa ng “scripted interview”.
Sinabi ni NPC President Leonel Abasola na hindi sinagot ni Cayetano sa panayam sa kanya ng media ngayong hapon ang paghahanap ng NPC na linawin ng senador ang naunang pahayag sa pagdinig sa pagtatayo ng bagong Senate Building.
“What we are asking for is a clarification and name names as it damages the image of the media people who adhere to the ethical standards on truthfulness, accuracy, and impartiality,” sabi ni Abasola.
Noong nakaraang linggo ay nagbangayan sina Cayetano at Senator Nancy Binay sa pagdinig ng Senate committee on accounts.
Ang mga wikang gaya ng “Buang” (Crazy) at “Marites” (Morger) ay ibinato ni Cayetano laban kay Binay na nag-udyok sa senadora na magsampa ng mga reklamo sa committee on ethics.
Sinabi ni Abasola na sasangguni siya sa bagong nabuong NPC legal committee kung anong partikular na mga kaso ang kanilang isasampa sa ethics committee laban kay Cayetano.
Sa hamon ni Cayetano, hinihimok din ng NPC si Binay na magpokus at ibunyag ang katotohanan sa isyu.
Sinabi ni Abasola na ang NPC, tulad ng lahat ng Pilipino, ay nakatutok din sa paghahanap ng katotohanan tungkol sa pagtatayo ng bagong Senate Building.
- Latest