^

Bansa

Sagutan sa West Philippine Sea itigil na, diyalogo buksan – PP

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon ang isang grupo ng mga manggagawa, negosyante, magsasaka at ordinaryong mamamayan sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na itigil na ang sagutan sa pagitan ng Tsina and Pilipinas upang magkaroon ng tunay na diyalogo at kapayapaan sa problema sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang pagpupulong sa Bay Garden sa Lungsod ng Pasay, sinabi ni Robert Tan, president ng Patriyotikong Pilipino (PP), na lalong lumalala ang tensyon sa dalawang bansa dahil sa sagutan hinggil sa pagpapalakas ng mga pwersang militar.

“Ayaw namin ng gera dahil wala itong magandang maidudulot sa bansa at sa kapayapaan ng mundo. Gusto naming magkaroon ng tunay na diyalogo ang Tsina at Pilipinas upang solusyunan ang problema sa WPS,” aniya ni Tan.

Ang Patriyotikong Pilipino ay kasapi ng BRICS Alliance (Brazil, Russia, India, China at South Africa) na nagsusulong ng kapayapaan sa buong mundo.

Kamakailan sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinalalakas nito ang pwersa ng bansa at pinaiigting ang military exercises na lalong diumanoy ikinagagalit ng Tsina na naghanda ng lalong mabigat na hakbang tulad diumano ng pagamba ng missiles sa Pilipinas target ang mga base militar ng Amerika.

Pinuri naman ng grupo ang Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa tahimik nitong pakikipag-usap sa Tsina, samantalang tinuligsa ang AFP sa patuloy na pag-aanunsyo ng pagpapalakas ng pwersa at pakikipag-ugnayan nito sa ibang bansa “na tila nagsasabing handa ang Pilipinas sa gera.”

Umapela ang grupo na panatiliin ng gobyerno ang polisiya ng kapayapaan at pakikipagkaibigan sa lahat ng bansa.

vuukle comment

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with