^

Bansa

Pangulong Marcos: K-12 ‘di epektibo, repasuhin

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: K-12 �di epektibo, repasuhin
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and German Chancellor Olaf Scholz answered questions from the members of the media during the joint press conference at the Chancellery as part of President Marcos' working visit to Germany on March 12, 2024.
PPA Pool Photos by Yummie Dingding

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay incoming Education Secretary Sonny Angara na muling pag-aralan ang K-to-12 program.

Ito ay dahil naniniwala ang Pangulo na hindi naging epektibo ang kakayahang magtrabaho o hindi naging maganda ang resulta ng employability ng mga estudyante na dumaan sa pagdaragdag ng 2 taon sa high school ng Department of Education (DepEd).

“Pero kung titingnan natin ang naging resulta, hindi tumaas, hindi gumanda ang employability nila. So we have to do something else. Kaya we were examining things like mini-courses, 3-6 buwan, 1 year-short courses para sa mga specialty,” ayon pa kay Marcos.

Sa ngayon ang kailangan lang aniya ay makipag-ugnayan sa pribadong sektor para mabigyang garantiya ng supply ng skilled workers.

“So tinitiyak namin na paglabas na may magandang pagasa, magandang magkatrabaho if not directly already to an industry employer,” pahayag pa ng Pangulo.

Inatasan din ng Pa­ngulo si Angara na tutukan ang resulta ng mga estudyante sa international objective test lalo na sa STEM subjects dahil dito bumabagsak ang Pilipinas.

Matatandaan na isa si Angara sa mga may akda na nagsulong ng batas ng K-to-12.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with