^

Bansa

Birth cert ni Alice Guo pinapakansela ng OSG

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Birth cert ni Alice Guo pinapakansela ng OSG
In this Facebook photo posted on Jan. 30, 2024 shows Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo attending the 2024 Agri Trade Fair opening ceremony.
Facebook / Mayor Alice Leal Guo

MANILA, Philippines — Ipinapakansela ng Office of the Solicitor General (OSG) ang birth certificate ng suspendidong si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, batay sa inihaing petisyon sa Tarlac Regional Trial Court kahapon.

Magkatuwang ang OSG at ang Philippine Statistictics Authority (PSA) sa pagsasampa ng petisyon.

Sinabi ni Solicitor Gene­ral Menardo Guevarra na ang paghahain ng cancellation of the birth certificate ay maglalatag ng batayan para sa kasunod na paghahain ng petisyon para sa quo warranto para mapatalsik si Guo bilang alkalde ng Bamban, at masampahan pa ng karagdagang kaso.

Kabilang sa argumento sa petisyon ang umano’y kabiguan ni Guo na sumunod sa mga legal na kinakailangan para sa late registration of birth, ani Guevarra.

Nauna nang sinabi ng PSA na nakakita sila ng mga iregularidad sa birth certificate ni Guo, habang ang National Bureau of Investigation (NBI) naman ang nagkumpirma na tumugma ang fingerprints ng alkalde sa babaeng Chinese na si Guo Hua Ping.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with