^

Bansa

Bong Go sa publiko: Lapitan, gamitin ang Malasakit Centers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa pagbisita niya kama­kailan sa Parañaque City, hinimok ni Senador Christopher “Bong” Go, ama ng Malasakit Centers program, ang mga residente na lapitan at gamitin nang husto ang Malasakit Center na matatagpuan sa mga pampublikong ospital para sa anumang tulong-medikal na maaa­ring kailanganin.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng programa ng Malasakit Centers, sinabi ni Go na ang mga ito ay partikular na idini­senyo para sa mahihirap na mga pasyente. Tinitiyak na makatatanggap sila ng mahahalagang medikal na atensyon nang hindi gagastos nang labis.

Si Go ang panguna­hing nag-akda at nag-sponsor ng Republic Act No. 11463 na siyang lumikha ng Malasakit Center.

“As chairperson ng committee on health and demography, priority ko talaga itong Malasakit Cen­ter para mayroon kayong malapitan sa inyong pagpapaospital. Nandito na ang apat na ahensya ng gobyerno, ang PhilHealth, PCSO, DOH, DSWD na tutulong sa inyong pagpapaospital. Lapitan niyo po Malasakit Center. Para ‘yan sa Pilipino, pagmamay-ari niyo ‘yang Malasakit Center,” paliwanag ni Go.

Pinasalamatan ni Go ang mga social worker sa Malasakit Centers sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa mga pasyente.

“Salamat sa lahat ng ating mga social worker na walang sawang nagbibigay ng mga kinakailangang serbisyo. Ang inyong pagsusumikap at dedikasyon ay talagang kapuri-puri. Hinihimok ko kayong ipagpatuloy ang marangal na gawaing ito,” aniya.

Tiniyak niya sa publiko na ang Malasakit Cen­ters ay magpapatuloy at titiyaking ang bawat isa ay makatatanggap ng nararapat na pangangalagang pangkalusugan.

Sa tulong ng kanyang Malasakit Team sa Unity Neighborhood Association Inc. (UNAI) Compound sa Barangay Sto. Niño, may kabuuang 80 presidente ng homeowner associations ang nakatanggap ng ayuda mula kay Go.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with