US mid range missile system, aalisin na - Philippine Army
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Army (PA) na aalisin at ibabalik na sa Estados Unidos ang missile system na unang dinala sa Pilipinas noong Abril 2024 para sa Balikatan joint military exercises.
Ayon kay Army Spox, Col. Louie Dema-ala, ibabalik na sa US ang Typhon Weapon System nito sa Setyembe 2024.
“As per plan... it will be shipped out of the country in September or even earlier,” ani Dema-ala.
Ang naturang missile system ay may kakayahang magpalipad ng SM-6 anti-aircraft missiles na may operational range na 240 km, at Tomahawk Land Attack Missiles na may operational rangena 2,500km.
Maaalalang ilang bansa ang bumatikos sa ginawa ng US na pagdeploy ng naturang missile system sa Pilipinas, kabilang na ang China at Russia.
Mayo ngayong taon ng magpulong sina Chinese Defence Minister Dong Jun at US Defense Minister Lloyd Austin at inihayag ng Chinese minister ang pagtutol sa deployment nito sa kadahilanang banta ito sa katatagan at kapayapaan sa rehiyon.
Una ring ibinunyag ni Russian President Vladimir Putin ang pagdedeploy ng naturang missile system sa bahagi ng Denmark, bago pa man ang pagdadala sa Pilipinas.
- Latest