^

Bansa

Binay, kinokonsiderang kasuhan si Cayetano sa Ethics committee

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinokonsidera ni Sen. Nancy Binay ang paghahain ng reklamo sa Senate Committee on Ethics laban kay Senator Alan Peter Cayetano matapos siyang tawagin na “Marites” sa imbestigasyon ng Senate New Building kamakalawa.

Inamin ni Binay na nagulat siya nang tawaging ­Marites ni Cayetano gayong ang pangalan niya ay Lourdes.

“I have to talk to my staff kung kailangan ba mag-file ng complaint sa ethics [committee]…Pag-aaralan natin. I have to check with my legal team kung kailangan pa,” ani Binay.

Sinabi pa ni Binay na matagal na silang magkasama sa Senado ni Cayetano at mas senior ito sa kanya.

“Based on the number of years naming dalawa, siya ‘yung senior ko. So dapat siya nga ‘yung mas alam niya ‘yung how to conduct a hearing, ‘yung pagiging statesman. Pero parang kahapon, nagulat din ako sa pangalan ko, from Lourdes ginawa niyang Marites,” ani Binay.

Ang salita o pangalang “Marites” ay nauso upang ilarawan ang isang tao na mahilig sa tsismis.

Naging mainit ang palitan ng salita nina Cayetano at Binay kaugnay sa halaga ng itinatayong NSB na nagresulta upang mag walk-out sa pagdinig si Binay.

Sa patutsadahan nina Binay at Cayetano sa pagdinig ng Senate on Accounts kamakalawa ipinaalala ni ­Cayetano na Lourdes ang pangalan ni Binay at hindi Marites.

“Ma’am basta sabihin ko sayo, Lourdes ang pangalan mo, hindi Marites. Kaya ayusin natin ito. Nakakahiya na,” ani Cayetano.

Sumagot naman si Binay na: “Hindi tayo Marites Mr. Chair.”

Ipinahiwatig din ni Cayetano na si Binay mismo ang nagbibigay ng mga tanong sa media tuwing may interview ito dahil halos magkakapareho umano ang tanong kahit pa sa mga panayam sa radyo.

Agad na kinondena ni Binay ang sinabi ni Ca­yetano lalo na ang pahiwatig nito na siya mismo ang nagbibigay ng tanong sa media.

vuukle comment

NANCY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with