^

Bansa

Labi ng 2 Pinoy na nasawi sa Houthi attack, dumating na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Labi ng 2 Pinoy na nasawi sa Houthi attack, dumating na
Ang mga labi ng 2 Pinoy seaman na nasawi sa pag-atake ng Houthi rebels sa sinasakyang MV True Confidence, nang dumating kahapon sa NAIA. Sinalubong ito ng mga kaanak sa tulong ng DFA, DMW at OWWA.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Dumating na kahapon sa bansa ang labi ng dalawang tripulantemg Pinoy na nasawi sa pag-atake ng mga armadong Houthi sa MV True Confidence.

Alas-9 ng umaga nang dumating sa Cargo area ng Philippine Airlines ang dalawang casket sakay ng PAL flight mula sa Dubai.

Sumalubong dito ang kanilang mga mahal sa buhay kasama ang mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), ng kanilang manning agency at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Matatandaang inatake ng mga Houthi ang bulk carrier na MV True Confidence habang naglalayag ito sa Red Sea noong Marso 6, 2024.

Nagtulong-tulong din ang DFA, DMW, manning agency at OWWA upang maproseso ang pagpapauwi sa mga labi, kasama ng mga kaanak upang matiyak na ang buong tulong at suporta ay maibibigay sa kanila.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with