^

Bansa

P35 minimum wage hike sa NCR, aprub na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P35 minimum wage hike sa NCR, aprub na
Signages for alternative routes have been placed along the southbound lane of EDSA as workers begin setting up scaffolding under the Kamuning Flyover in Quezon City on April 25, 2024.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang P35 umento sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR), ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Bunsod nito, mula sa kasalukuyang P610 ay magiging P645 na ang daily minimum wage sa Metro Manila.

Magiging P608 naman mula sa dating P573 ang sahod para sa mga manggagawa sa agriculture sector, service at retail establishments na mayroong 15 o mas kaunti pang manggagawa at manufacturing services na regular na nag-e-empleyo ng wala pang 10 manggagawa.

Nabatid na kahapon lamang ng umaga nang ianunsiyo ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang desisyon.

Inaasahang magiging epektibo naman ito, 15-araw matapos na mailathala sa mga pahayagan.

Matatandaang noong Hunyo, nagdaos ang RTWPB-NCR ng isang open forum sa iba’t ibang mga stakeholders hinggil sa hiling na umento sa sahod.

Huling ipinatupad ang dagdag sa minimum wage sa NCR noong Hulyo 16, 2023 na nagkakahalaga ng P40.

Sa naturang kautusan, P610 ang naging minimum wage para sa non-agricultu­ral sector at P573 naman sa agriculture sector.

Inaasahang aabot sa 988,243 minimum wage earner sa NCR ang makikinabang sa naturang wage order.

Noong Araw ng Paggawa, una nang ipinag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na rebisahin ang minimum wage rates sa bawat rehiyon sa bansa.

vuukle comment

DOLE

WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with