^

Bansa

‘Wag kayong kumagat’ — Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Wag kayong kumagat� � Duterte
Sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Duterte na hindi dapat “kumagat” sa pahayag ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte na tatlong Duterte ang tatakbo sa 2025 senatorial elections.
Presidential photo / King Rodriguez

Sa pagtakbo sa Senado kasama 2 anak

MANILA, Philippines — Itinanggi ni dating Pa­ngulong Rodrigo Duterte na tatakbo siya sa Senado kasama ang mga anak na sina Davao City Mayor Sebastian Duterte at Davao City Congressman Paolo Duterte.

Sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Duterte na hindi dapat “kumagat” sa pahayag ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte na tatlong Duterte ang tatakbo sa 2025 senatorial elections.

“Maniwala kayo kay Inday? I-jamming ka niyan nang husto... Saan ka nakakita, tatay dalawang anak magtakbo [sa Senado]... ‘Wag kayong kumagat kay Inday kasi ‘yan si Inday kagaya ko rin ‘yan,” ani Duterte noong Linggo.

Kinumpirma ni Vice President Duterte Noong Hunyo 25 na ang kanyang ama at dalawang kapatid na sina Baste at Paolo ay tatakbo sa pagka-senador sa 2025, base umano sa sinabi ng kanyang ina.

Ipinahiwatig naman ng dating pangulo na wala silang gagawing mag-aama sa Senado.

“Anong gagawin namin sa Senate...Anong gagawin namin doon?” ani Duterte.

Tiniyak din ng dating Pangulo na hindi na siya babalik sa pulitika.

Laos na aniya siya at wala na ring pondo para tumakbo.

“Hindi na ako babalik ng politika. Tapos na po ako. Laos na ako. Wala na akong panggastos, wala na lahat. Ang naiwan sa akin siguro yabang,” ani Duterte.

vuukle comment

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with